AkO.AkO.AkO

AkO.AkO.AkO
rachel :)

21 guns

Wednesday, May 19, 2010

balloon

istorya ng isang balloon...(mej emo...kng panget xnxa..gawagawa lng.=)))

ISTORYA NG ISANG PAGIGING BALLOON....

Minsan ang tao sakim...
Sakim, masama, nakakasakit, at di nagbibigay nng halaga sa iba...
Minsan kasi akaLa niLa bagay tayo eh..waLang damdamin...MANHID...
pero minsan...SANA bagay n lang ako...

KAGAYA .. ng isang balloon..

bakit???...

Ang balloon kasi...isa yan sa mga bagay na kinahihiligan ng lahat..ung gusto ng lahat...

Ang balloon kasi Maganda..nakapagbibigay ng aliw..napapasaya tayo..ganun kasimple ang dalot ng balloons...hangad nila ang kasiyahan natin,,,

perO bakit ganun ang tao?

Ones na nakita nila ung balloon na hawak ng ibang tao..maiinggit siLa kea kukuha o bibili rin sila...tapos mamimili pa yan....

Laging nasa tabi nila..iniinggit ung iba...

pero kapag nagsawa na..bibitawan na lang...ganun lang kadali...

peo minsan hindi na makuntento sa pagbibitaw..misan sasaktan pa..puputukin ba...


hindi ba pwedeng pag nagsawa ka....

tanggalin mo na lang ang hangin,,,,


para kapag gusto mo na ulet...

lalagyan mo na lang ng hangin,..

MAG E EFFORT ka

...hindi ka pa HAHANAP NG IBA...

Bakit ang tao...ginagawang balloon ang mga nagmamahal sa kanila?
un bang..

pag gusto nila ung isang tao...gagawa at gagawa sila ng paraan para makuha toh..

pero pag nagsawa na sila...bibitawan na lang...

hindi man lang nila naisip yung mararamdaman nung taong un na minamahal na sila ng lubusan?

ung papakawalan na lang..

minsan pa nga...kelangan pang saktan eh..kagaya ng lobo..pinuputok...nawawalan ng silbi..

parang tayo..sinasakatan...na sa sobrang sakit./..pakiramdam natin hindi na tayo makakabangon muli?

at pag nagsawa na sila sa atin...ayan nanaman sila...

MAGHAHANAP NG KAPALIT...


buhay nga naman...


pero minsan naisip ko...sana isang Lobo na lang din ako...

kasi diba ang lobo...

Ones na pinakawalan ka na...

kahit sobrang nasaktan ka...




Aangat pa rin siLa...


pataas...


patungo sa tinatawag nating LANGIT...

kung saan...


makakapiling natin ung tunay na nagmamahal sa atin..


kung saan ...


lahat ay masaya...

at hindi na makakaramdam ng sakit at kalungkutan..


......END......


Sunday, May 9, 2010

tuLa 2

...
KAIBIGAN ang turing sa isa't isa
'Di mo ko iniwan tuwing may problema
Lagind nariyan pag ako'y lumuluha
Ako'y pinasya't binigyang halaga

Dumating ang araw na 'di napigilan
Araw na hindi natin inaasahan
Damdamin na lumalim na ng lubusan
Ano na kaya ating kahahantungan?

May namagitan na "mutual understanding"
Hindi rin nagtagal at tayo ay naging
Naging masaya naman na magkapiling
At wala naman ng iba pang hiniling

Natupad ang ating tanging panalangin
Na nagkaroon ng parehong damdamin
'Di lang tayo pati iba'y nakapansin
Walang humpay na pagmamahalan natin

Madalas man tayong laging nag-aaway
Pagkaka-ayos pa rin ang naghihintay
Ikaw ang pinangakong magiging buhay
Dahil mundo ko ay nasa iyong kamay

Nagkaroon ng mga sweet na tawagan
At nangako ng magpakailan pa man
Psgmamahalan ating napatunayan
At sinabing hindi magkakasawaan

Subalit ako ay nagkamali
Pagmamahal ng iba aking pinili
Naguluhan lang ng una sa pagpili
Ngunit ika'y aking nasaktan sa huli

Labis na pagsisisi aking nadama
Ng ika'y aking iniwang nag-iisa
'Di ko sinasadyang ikaw ay magdusa
Kalungkutan ang makikita sa mata

Sabihin man nilang ako'y naging manhid
Minahal ka ng lubusan sayo'y hatid
Sobrang mahal higit sa kanilang batid
Katotohanan na walang halong bahid.
...


another jowk..

tula 1

....
Ng ikaw ay aking unang makilala
Hindi maipaliwanag ang nadama
Sa tuwing ika'y aking naaalala
Parang lagi ka ng nais makasama

Hindi maipaliwanag ang damdamin
Sigaw ng puso'y hindi alam sabihin
Dahil ako nama'y 'di mo pinapansin

'Di inasahan na ako'y iyong hiling
Isa't isa'y nais nating makapiling
Higit sa kaibigan ang naging turing
Sa'ting dalawa'y nagkaroon ng "SOMETHING"

Ikaw ay aking inaasam na tunay
Naging sentro ng aking puso at buhay
Buong pagmamahal sayo ay inalay
Ng ika'y lumisan ako ay naghintay

Noong hindi na kita nararamdaman
Ako pala'y tuluyan mo ng iniwan
Labis akong nahirapan at nasaktan
Dahil iniwan mo ng walang dahilan

Sa'ting dalawa ako'y nanghihinayang
Lahat ng sakripisyo ko ba'y nasayang?
Sa atin ba ay nagkaroon ng hadlang?
O sadyang 'di na mahal at iniwan lang?

Ng ika'y tuluyan ng nakalimutan
Tayo'y naging mabuting magkaibigan
Ng tayo'y nasa mabuting kalagayan
Doon pa naisip makipagbalikan

Kung kailan kaibigan na lang turing
Doon mo pa ako gustong makapiling
Sinubukang ibalik ang dating feelings
Nagawa naman but not the same old feelings
...



..joke na kaweirduhan lng yan