Sa bawat pagsubok na dumarating, sa mga problemang ating pinapasan. Mga bagay na patuloy na gumugulo ng ating isipan. Hamon na dulot ng mga pinili nating daan. Anu mang hirap ating kayanin. Wag sumuko , tandaan na ang Diyos ang laging nasa tabi mo.
Naiintindihan ko naman ang sitwasyon ko ngayon. Pero ang hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Sinusubukan kong maging masaya. Ginagawa ko ang lahat makalimot lang sa problema. Pero bakit sa tuwing pumapasok sya sa isip ko, sumasakit ng ganito ang puso ko.
Hindi ko alam kung bakit pa ko nasasaktan ng ganito. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na umibig ako. Mas minahal at pinahalagahan naman ako ng iba, ngunit bakit pagdating sa kanya nagmumukha akong tanga? Hindi ko alam kung anu ba ako para sa kanya, ngunit para sa akin sya lang talaga.
Mahirap kasi sa bawat araw na lumilipas, damdamin ko’y hindi kumukupas. Hindi ko alam kung meron na ba syang iba o baka naman may bagong sinisinta. Sa bawat minutong kami’y nag-uusap at magkasama, nagugulumihanan ako baka ako’y pampalipas oras lang nya.
Nais ko sanang sabihin na “ang sakit sakit na” ngunit baka naman ito’y isang tabi lang nya. Gusto kong sabihin na “Mahal na mahal pa rin kita” subalit baka baliwalain lang nya. Kung pwede lang sana lagi kaming magkasama at magkausap ngunit baka pag kasama nya ko sya’y naiinip lang.
Mga bagay na gusto kong mangyari, pag dating sa kanya’y di ko na mawari. Pusong mailap at matatag sa iba, lumalambot at nanghihina pagdating sa kanya. Magmahal man ako ng iba, sa dulo’y sya pa rin talaga. Hindi ko alam kung bakit, pero sobra na talaga ang sakit.
Hindi ko nga alam kung minahal nya talaga ako mula sa puso nya, pero ang alam ko mahal na mahal ko talaga sya. Pilitin ko mang limutin sya’y di ko magawa. Shit anu ba yan ang lakas ng tama ko sa kanya. Hindi ko alam kung anung nakita ko sa kanya at di ko sya malimutan ng tuluyan.
Mabait, makulit, masaya kasama, at palabiro. Ayon sya pag sa iba. Ngunit pag ako kasama nya nagiiba sya. Hindi ba tlaga sya masaya pag ako kasama nya? O masyado lang talaga akong sensitibo pagdating sa kanya?
Sa una’y sinulat ko to dahil gusto kong ilabas ang sakit ng nadarama ko. Ngunit habang tumatagal at patapos na ito, unti unting nababago ang tema ng sulat kong ito. Siguro nga sa kabila ng sakit nararamdaman ko ngayon, mas umiiral pa rin ang pagmamahal ko para sa taong iyon.
Alam kong tutol ang karamihan dahil sa kanyang mga kalokohan, pero ewan ko ba kung sadyang tanga ako o lubusan ko lang syang minamahal. Hindi ko man alam kung anu ang patutunguhan nitong kabaliwang to, pero sigurado ako sa isang bagay at un ay ang tunay at tapat na pagmamahal ko sa kanya.
Okay lang kahit ganito na lang kami habang buhay. Okay lang ganito kami mamumuhay. Ayos lang kung manatili kaming ganito sa tagal ng panahon. Basta wag lang syang mawawala dahil di ko na hahayaan yon. Hay... Buhay... Bakit sa dinami rami ng tao sa kanya pa? LOVE ba to? Bakit kelangan sumakit ng ganito?