habang nanunuod ako... nakarinig nanaman ako ng makabagbagang damdaming salita...
"Wala naman kasiyahan ang buhay ko. Sya ang kumukumpleto sa araw ko. Sya lang ang nagpapasaya sa akin. Masaya ako sa ngiti nya. Tuwing tinitignan ko ang mga mata nya, bumibilis talaga ang tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan pero hindi ko na rin inalam pa. Ang importante lang naman sakin, parati syang nanjan. Dahil pag wala sya, nakakaramdam ako ng labis na kalungkutan, sya lang tlga ang nagiisang taong nagpapasaya sakin ng sobra sobra. Sa kanya ko lang naramdaman to. Isa lang ang alam ko. Napakaimportante nya sa buhay ko. Sya lang ang gusto ko. Makita ko lang sya ok n ako. Pero umalis sya. At ngayon, ito nanaman. Hindi ko na kakayanin, pag umalis pa ulit sya.
....
Mas mabuti na to. Kapag umalis sya, hindi na siguro sya babalik. Kung ganun, hindi na nya kailangan umalis ulit. Mas mabuti na to. Mas okay na diba? "
Mga salitang binitawan ng isang taong labis na nagmamahal.
Nakakalungkot pakinggan, ang sarap sabihing... "Tama na! Tumigil ka na sa pagiging tanga! Imulat mo na ang mga mata mo!"
Pero sa huli, sadyang hindi natin madidiktahan ang pusong labis na nagmamahal ng tunay at tapat.
No comments:
Post a Comment