habang nanunuod ako ng Cinderella's Sister, di ko maiwasang maiyak sa mga eksena...
oo...nakakarelate ako. Hindi naman masyado pero nakakaiyak kasi talaga. pakiramdam ko masakit talaga kung sa akin mangyayari un.
Halimbawa na lang kung sasabihin sayo ng taong mahal mo na...
"Alam kong mahal mo ako. Pero hindi ko matatanggap ang pagmamahal mo."
at kung tatanungin mo kung dahil ba un sa kaibigan o kapatid mo, at sabihin nyang... "hindi to dahil sa kanya"
at kung magulat ka, dahil alam mong sya ang mahal ng taong mahal mo...sunod mong tanung ay... "so ibig sabihin ba nito tatangihan mo rin sya?"
ang pinakamasakit na sabihin nya ay... "Hindi.... dahil ako ang tinanggihan nya."
sobrang sakit nun sa parehong side...pero mas masakit un dun sa babaeng nagmamahal sa lalaking un na may mahal ng iba.Dahil kung iisipin, kung di sya tinanggihan nung babae, ibig sabihin magiging sila. Pano naman ung babaeng umaasa dun sa lalaki diba? :(
sabi nga nung babae dun sa lalaking nakasakit ng damdamin nya ilang araw lang ang nakalipas...
"Huwag mo akong kausapin ng ganyan. Na para bang ang bait mo sakin. Maguguluhan lang ako kung tratratuhin mo ako ng maayos. Matapos mo akong itulak sa bangin at hayaan akong mahulog at masaktan."
No comments:
Post a Comment