Paano kaya kung sabihin ko sa kanya lahat ng nadarama ko?
Paano kaya kung ilabas ko lahat ng saloobin ko?
Pano kung sabihin ko?
Pano kung iparating ko?
Pano kung ipahiwatig ko?
Anu kayang sasabihin nya?
May gagawin kaya sya?
Maayos pa ba kaya?
...
o mananatili na lang na umaasa at nangangarap na sagutin nya ang mga katanungan ko?
Pano kung baliwalain at saktan nanaman nya ko?
Iiyak ba ko? Mahihirapan ba ko?
Diba dapat handa ako? Pero anu kayang isasagot o sasabihin nya kung sabihin ko to...
"Anong pakiramadam ng makita mo akong parang tangang hindi makalimot sayo? Alam ko ayos tayo. Alam ko ang lugar ko. Pero Mahal pa rin kita. Nakikita ko kung nasaan ang lahat. Pero kahit anu man doon, hindi ko magawang ibalik at subukang isaayos."
Pano kung sa pagkakataong to maayos natin ang lahat? Pero paano kung hindi?
Ito na ba ang huli? Wala na ba talagang balikan? Wala na ba talagang kasunod? Wala na ba talaga? Wala ka na ba talagang nararamdaman?
...
Siguro nga't panahon na.
Panahon na upang kalimutan ko ang lahat.
Hindi man sa tuluyang kalimutan ka dahil alam kong hindi pwede un. Pero panahon na talaga siguro upang tanggapin ang lahat.
Tanggapin na wala ka na. Na hanggang dito na lang talaga. Na hindi mo na ako mahal.
Masakit mang isipin ngunit alam kong ito ang dapat at tamang gawin.
Maghintay ka lang....
makikita mo...
Magmamahal muli ako.
Hindi na sayo..
Ung hindi na kailangan itago, ikahiya, at ibaliwala.
Makikita mo...
Mahahanap ko rin ang tamang tao....
sa tamang oras...
Ung magbibigay ng oras lalo na kapag kailangan ko.
Ung ipagmamalaki ako't hindi ikahihiya.
Ung kaya akong ipaglaban.
Ung mamahalin ako ng tunay at tapat.
At ung hindi ako iiwan.
No comments:
Post a Comment