Alam mo ba ang pakiramdam ng may minamahal?
May minamahal ka na hindi mo alam kung anu ka ba sa kanya?
Hindi mo alam kong mahal ka rin ba nya at kung seryoso ba talaga sya sayo?
hindi lang un nakakalito eh... hindi lang din un masakit....
MISERABLE...
miserable talaga.
un bang kahit masakit, mas gugustuhin mo ng kasama mo sya kahit iba ung hinahanap nya kaysa naman ung wala na nga sya sa tabi mo hindi ka pa nya hinahanap.
sabi nga...
"Nasasaktan ako kapag nakikita ko ang taong un.
Miserable ako kapag narito, miserable ako pag wala sya rito. Miserable ako kapag nginingitian nya ako, misserable ako pag sa iba ngumingiti ang taong un. Miserable ako pag tinatawag nya ang pangalan ko, miserable ako pag hindi. Mas gusto kong nandirito sya. Magkukunwari na lang akong galit sa taong un kesa sa hindi ko sya nakikita dahil wala sya dito."
Minsan talaga sa sobrang bigat ng nararamdaman natin, sa sobrang sakit, nagagawa na tuloy nating magpanggap o magkuwari. Kasi, sa ganoong paraan, kahit papaano mababawasan at maiiwasan nating masakatan. Kesa naman ibigay mo at ipakita mo lahat ng tunay mong nadarama. Kahit papaano nababawasan sila ng proweba ng kahinaan natin. Kahit papaano, hindi nila malalaman at dagdagan pa ung sakit na dulot nila.Mas maiigi na rin siguro minsan na ganito. Para walang magbago.
Sabi nga diba....
"Some words are better left unsaid."
No comments:
Post a Comment